Halina't Libutin ang Munting Bayan ng Manito





Halina't Libutin ang Munting 
Bayan ng Manito

Manito Albay isang munting bayan  na aking kinalakihan na mas kilalang  "Wonders of Albay". Isa ito sa tahimik at payapang bayan sa Probinsiya ng Albay.  Ang bayan na ito ay napakaraming mga tanawin o atraksiyon at mga pasyalan katulad ng Nag-aso boiling lake, Zoe White Beach, Magayon resort, Abion falls,    Dalipay, Muladbucad beach resort at  marami pang iba. Marami rin ditong mga kainan at mga produktong pwede mong mabili kagaya ng walis tambo, pili nut,    mga kakanin at iba pang mga lokal na produkto na pwede mong ipampasalubong.

Marami ka ring pwedeng gawin sapagkat na pakarami din ditong mga aktibidad katulad na lamang ng kayaking, hiking, obstacles at iba pang mga water at land activities na pwede sa iyong mga barkada at pamilya.

Pwede rin kayo makisabay at dumalo sa Nito-Talahib Festival na ginaganap kada   ika-14 ng Oktubre hangang sa ika-24 ng Oktubre. Ipinagdidiwang dito ang kaarawan ng aming patron Saint Raphael.Maraming aktibidad at kaganapan sa pagdiwang ng Festival na ito kagaya ng Festival dance Competition, DLC, Cooking Shows, iba-ibang uri ng patimpalak. Kayat makisaya kana!

Ngunit Hindi lamang ito ang ipinagmamalaki ko sa lugar namin kundi pati na rin ang mga tao. Napakamapagtanggap, mabait at marunung makitungo sa mga bisita.

Kaya't kung ikaw ay naghahanap ng lugar na mapapasyalan ay ito ang lugar na bagay sayo. Pwede mong isama dito ang pamilya mo, mga barkada at iba pang mga mahal mo sa buhay.

Sigurado ako na mabibighani at mahuhumaling ka sa lugar na ito kaya't bisitahin mo na at i-explore mo na ito!





Credits to all the photos that I used in this Blog.


By: AJ AGUIMBA














Comments